It is only when we truly know and understand that we have a limited time on earth and that we have no way of knowing when our time is up that we will begin to live each day to the fullest, as if it were the only one we had.
Minsan naiisip ko na paano kung hindi ko maabot ang aking mga pangarap o minimithi sa buhay? Di ko pa nararanasan ang buhay at kakasimula ko palang lumakbay patungo sa totoong buhay. Marami pang mga bagay at pangyayari ang hindi ko nasaksihan at kaunti pa lang ang mga pagkakamali ang aking nagawa. Hanggang sa ngyon at di pa ganun kahirap ang buhay at wla pa akong kasalanang pinagdusahan.Siguro sabi ng iba, sira na ba ang ulo ko or napaka weird ko naman kung gugustuhin at hinihintay ko pang mangyari ang mga bagay na iyon. Pero para sa akin, dito ko lang masusukat kung gaano ako katatag at may natutunan ba ako sa dalawang dekadang paglalakbay ko sa mundong ito.
---
Paano kung mamatay na ako ng di man lang ako nakapunta sa Boracay o Dumaguete? Di man lang ako nagkaroon ng isang 3G Phone; nakapunta sa bilanguan; nakasulat ng isang nobela; natapos ang aking Masteral; at marami pang iba.