During my college days, I've been a member of our University Student Publication for 3 years. I become a regular staff writer to News Editor in my last year. This is the time where I met different student writers and established writers of the country. Every year, we had our National Writing Workshop sponsored by our publication and this is the time where I met these great writers; National Artist and Magsaysay Awardee for Literature F. Sionil Jose; UP Professor and writer of "Bulaklak ng Maynila" Domingo G. Landicho; One of the greatest poetess of the country Ophelia Alcantara Dimalanta; Rock Band frontman, Lourd De Veyra and others. I'm not a good writer but I can say that I develop the passion of literary writing during that time. This poem was written 2 months after my graduation day. I remember that I wrote this poem because it was a too boring that time in my first job and inspired with my 20 years of living my life.
"Dalawang Dekada"
Sa muling pagbubukang-liwayway
sabay nating ipinta ang mga kalawakan
iguhit ang kapalaran,
ihulma ang magiging buhay,
at lumikha ng makabuluhang karanasan.
Oo, isasabay kita sa aking paglipad.
Makikilakbay sa mga agila sa kagubatan at
at lalandasin ang mga pulo-pulong ulap.
Ating lalanghapin ang simoy ng dagat at
at pakikinggan ang mga halakhak nina Maliari't Sinukuan.
Sana nga.
Sana.
Ngunit sa pagsapit ng dapithapon
sabay naman nating makakalimutan ang mga pangarap
isara ang aklat ng kapalaran,
pansinin ang wasak na buhay,
at waldasin ang mga karanasang walang kabuluhan.
Tama.
Tama, `di kita isasabay habang buhay.
Iiwan kita sa aking paglalakbay sa kagubatan at
at Mag-isa akong lalandas sa mga pulo-pulong ulap.
Sa aking paglanghap sa simoy ng dagat
Sana'y pakinggan nina Maliari't Sinukuan ang mga pangarap at pag-asa.
Sana' ibigay ang kapalaran na ako'y maghihintay ng bagong bukas.
Dalawang dekadang pakikibuno sa malalamig mong rehas,
pakikibaka sa liwanag ng kadiliman.
Kailan
Kailan nga ba
masisilayan ang pagbubukang-liwayway
makikisalo sa pagda-dapithapon
Dalawang dekadang
nangarap,
umasam,
umasa.
nabigo.
I really missed writing espescially writing a personal column. Good to powertrip sometimes since you have all the freedom to write what is on your mind. I missed 'column fight' with other college publication writers and the good and bad comments from classmates, teachers and friends.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home