Another poem written during my college days..
"Isang gabing kapiling si Maria Clara"
Napakaaga ng aking namulatan
ang pagbu-bukangliwayway.
Habang sa aking paglingap
ay aking nabatid ang pagkasira
ng ating kamusmusan na buong gabi nating
pinagbukluran at pinagsaluhan.
Ating pinalaya ang mga katawang nilinok ng tadhana
Masuyong hinukay at tinuklas ang mga kayamanang
tila ginto't dyamanteng ating tinago at iningat-ingatan.
Kasabay ninyo ay natanaw natin ang dalampasigan
At sabay na nilangoy at nilandas
ang napakalalim na dagat
upang marating at matagumpayan
ang mga mumunting perlas sa dagat.
Yaon ang gabing inagaw mo ang lahat sa akin
at iyo naming inalay ang lahat ng tagumpay sa buhay.
Sa simula pa lamang ng ika'y dumating sa aming nayon
Ay naglaway na ang mg ganid na aso
at ngunmanga na ang masisibang buwaya.
Ngunit sa aking pag-aakala
ay tulad ka ni Maria Clara
na produkto ng nilinang na isipan ni Rizal.
Isang hapon ay nasaksihan kita na tila paru-parong napakababa
ng paglipad, palipat-lipat ng kung saan siya makakaabot ay doon
na lamang iimbi.
Nagalit ako sa king sarili
kung bakit ang puso ko
ay biglang nahagupit at nagkamali.
Sinabi kong isa ka nga sa mga babaeng
hinding-hindi ko ihaharap kay dakilang Bathala.
Ngunit bakit ngayon ikaw'y aking kapiling
sa napakasayang paraiso ng buhay.
Napabulong ang aking puso o isip di kaya?
At sinabing
" akoy' nagkamali,isa ka rin pala sa kanila.
Sa mga ganid na aso at masisibang buwaya."
Labels: Poetry